GLOBE MAGPAPASAYA SA OFWs, TURISTA

ofw

SA taun-taong Christmas tradition, nakipagkaisa ang Globe Telecom sa Philippine Airlines para sa family reunion ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)sa higit pang saya sa special gift na tinawag na Globe Balikbayan: A Wonderful Christmas Reunion!

Ngayong taon, isang surprise gift packs at special Christmas choir ang babati sa mga turista hindi lamang sa NAIA Terminals 1-3 sa Maynila kundi maging sa Cebu at Davao International Airport. Mahigit naman sa 1,400 pasahero mula Dubai, Hong Kong, at Abu Dhabi ang sinorpresa ng gift packs.

Sa kanilang pagdating at pagkuha ng mga bagahe, ang mga psahero ay tutungo sa isang lugar para haranahin at makisaya sa Globe Christmas booth. Bibigyan ang mga ito ng Noche Buena gift packs gayundin ang libreng Globe Traveler SIM cards para agad silang makatawag sa pamilya.
“Wala nang higit pang ikasasaya sa reunion ng pamilya ngayong Kapaskuhan kaya’t nais naming magpasalamat sa mga OFWs na nagsasakripisyo sa malayong pamilya para lamang mabigyan ang mga ito ng magandang kinabusan,” sabi ni Bernard Llamzon, Executive Vice President and Head of Globe Channel Management Group.

Para sa dagdag impormasyon, bisitahin ang  www.globe.com.ph.

18

Related posts

Leave a Comment