GLORIA AYAW MAG-ENDORSO NG SENATORIAL CANDIDATE

gma20

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T  sinamahan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Davao City Mayor Sara Duterte sa Pampanga para sa kick-off rally ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago, wala itong personal na ineendorsong kandidato.

Sa ambush interview kay Arroyo, lumalabas na wala itong personal na ineendorsong kandidato dahil ang tanging trabaho umano ng mga ito ay dalhin ang mga ito sa kanilang mga constituent.

“Our job is to bring the candidates to our constituents and late them explain themselves,”  ani Arroyo.

Dahil kaalyado ng Duterte administration, inaasahan ng lahat na personal na mag-eendorso si Arroyo ng mga kandidato ng adminitrasyon lalo na’t higit sa 12 ang kandidato ng mga ito.

Gayunpaman, sinabi ni Arroyo na sasamahan lamang umano nila ang mga kandidato para ipakilala sa kanilang mga nasasakupang mga botante ay hayaan ang mga tao na mamili ng kanilang iboboto.

“Our job is to bring them to our constituents and they will be the one (na mamili ng iboboto),” ani Aroryo.

 

IKASA NA ANG DEBATE

Samantala, hinamon naman ni  Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, isa sa senatorial candidate ng Otso Diretso, si Duterte na iharap na ang kaniyang mga kandidato sa debate lalo na si Bong Go.

Ginawa ni Alejano ang hamon matapos sabihin ni Duterte na ‘willing” ang kanyang mga kandidato sa Hugpong ng Pagbabago na makipagdebate para pag-usapan ang mga isyung panlipunan.

“Kung ganun, sa Plaza Miranda tayo, Bong Go, 12 nn, Monday, Feb 25. Game na akong maka-debate para pag-usapan ang China issue,” ani Alejano.

 

 

116

Related posts

Leave a Comment