(NI LILIBETH JULIAN)
KINUMPIRMA ng Malacanang na nakipagpulong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo.
Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na tinalakay ng dalawang lider ang pagiging talamak pa rin ng ilegal na droga sa bansa at ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para ito masawata.
Ayon kay Panelo, natalakay din ang bilateral relations ng Pilipinas at China hinggil sa aspeto ng seguridad, kalakalan, people to people exchanges, ang pagtutulungan sa mga regionals at international issues.
Sa pagpupulong ay ipinaabot ni Ambassador Jianhua ang papuri nito sa pagiging propesyunal ng isang pulis na nanatiling kalmado kahit na sinabuyan ng taho ng isa nilang kababayan.
Tiniyak ni Jianhua na hindi nila kinukunsinti ang katulad na asal kahit na sinuman sa kanilang kababayan.
“He first extended his greeting and commendatioan to the police officer that was subject of a taho -throwing. He said he saw the video and he was impressed by the professinalism and resteaint exhibited by the polce officer,” pahayag ni Panelo.
Matatandaan na nag viral ang video ng pagbuhos ng taho ng isang 23 -anyos na si Zhang Jaile kay PO1 William Cristobal sa Boni Avenue Station ng MRT Line 3.
Bago matapos ang pulong, inimbitahan ni Jianhua si Pangulong Duterte na dumalo sa paparating na belt and road forum for international cooperation na gagawin sa Beijing, China.
139