GMA: ‘PEKE ANG ‘CONFIDENTIAL LETTER’ KO PABOR SA MORE ELECTRIC AND POWER CORP.’

SGMA

(Ni BERNARD TAGUINOD)

WALANG umanong nalalaman si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nagbigay siya ng “confidential letter” sa isang kongresista para makipag-ayos kay Senadora Grace Poe ukol sa pagpasa ng prangkisa ng More Electric and Power Corporation.

Ang ginawa ni Arroyo ay nanawagan sa Philipine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang alamin kung sino ang gumawa ng aniya’y pekeng sulat kay Palawan Rep. France Alvarez.

Si Alvarez ang chairman ng House Committee on Legislative Franchises.

Ang laman umano ng liham ni Arroyo ay ‘hiniling’ niya kay Alvarez na makipag-ugnayan sa kanyang counter-part sa Senado, partikular kay Sen. Grace Poe, dahil gusto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ng Bicameral Conference Committee ang desisyon nito ukol sa aplikasyon ng prangkisa ng More Electric and Power Corporation.

Kumalat ang nasabing liham ng speaker.

Tiniyak ni Arroyo na peke ang liham.

7

Related posts

Leave a Comment