DIDAL, ISA SA ‘MOST INFLUENTIAL TEENS’ NG TIME MAGAZINE

Margielyn Didal

(Ni V. T. ROMANO)

NAPASAMA ang pangalan ni Margielyn Didal bilang isa sa 25 Most Influential Teens of 2018 ng TIME Magazine.

Ang 19-anyos na si Didal ay nakilala sa 2018 Asian Games skateboarding competition matapos siyang manalo ng isa sa apat na gintong medalya para sa Team Philippines sa nasabing quadrennial meet.

Sa panayam ni Suyin Haynes ng TIME Magazine, idiniin ni Didal ang labis-labis na kasiyahan sa pagsuporta ng kanyang pamilya at kasintahan sa kanya.

Nakatuon ang panayam sa 2020 Tokyo Olympics.

“It’s going to be the big goal in my life to get that gold medal. I want to build a new generation of skaters for the future,” lahad ni Didal na tubong Cebu City.

Nasa listahan din ng TIME Magazine sina French footballer Kylian Mpabbe, Korean snowboarder Chloe Kim at K-Pop group NCT Dream.

Ang TIME ay isang American weekly news magazine at news website na inilalathala ng New York City. Ito ay itinatag noong 1923.

Taun-taon ay naglalabas ang magazine ng natatanging artikulo hinggil sa mga maimpluensiyang tao sa mundo at ang pinakamalaking feature nito ay ang paghirang sa ‘Person of the Year.’

5

Related posts

Leave a Comment