GOBYERNO WALANG KINALAMAN SA KASO VS XI

xi12

(NI BETH JULIAN)

WALANG kinalaman ang gobyerno ng Pilipinas sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay His Excellency Song Tao, Minister ng International Department of the Communist Party of China Central Committee nang mag-courtesy call kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, Chinese Consul General to Davao Li Lin at iba pang Chinese delegates sa Matina Enclaves sa Davao City.

Paliwanag ng Pangulo sa Chinese delegates, bilang isang demokratikong bansa, hindi niya mapipigilan sina Del Rosario at Morales na maghain ng reklamo laban Xi.

Matatandan na nag-ugat ang kaso ng dalawang dating opisyal laban kay Xi bunsod ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

Gayunman, sa kabila nito, nananatiling malakas ang ugnayan ng Pilipinas at China kasabay ng pagpapasalamat sa mga tulong na ibinigay sa bansa lalo na sa ‘Build Build Build’ program.

Sa Abril ay dadalo ang Pangulo sa Belt and Road Forum sa China.

327

Related posts

Leave a Comment