TAAL VOLCANO NASA ALERT LEVEL 1

taal volcano 12

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS makapagtala ng 50 volcanic earthquakes sa loob ng isang linggo, inilagay na, Huwebes ng hapon, sa Alert Level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) sa Alert Level ang Taal Volcano.

Ayon sa Phivolcs, simula Marso 22 ay ilang volcanic earthquakes ang kanilang naitala bukod pa dito ang kapansin-pansin na pagbabago sa bulkan na nagkaroon ng ground deformation at pagtaas ng carbon dioxide emission sa crater.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na sa ilalim ng Alert Level 1 ay nangangahulugan ito na mayroong pagtaas sa volcanic earthquake, steam/gas activity, pagtaas ng temperature ng hot spring at pamamaga ng bulkan.

Kasunod ng pagtaas ng alert level ay mahigpit na ipatutupad ang 7 kilometer Permanent Danger Zone kung saan bawal na ang pagpasok malapit sa bulkan at pinapayuhan ang mga residente na malapit dito na maging alerto.

Ang Taal Volcano ay madalas na pasyalan kapag nagtutungo sa Batangas at dahil nakataas ang Alert Level 1 sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na bawal muna ang mga aktibidad sa paligid ng Taal kasama na rito ang pag-akyat sa Daang Kastila trail.

102

Related posts

Leave a Comment