GOV’T OFFICIALS, EMPLOYEES BABANTAYAN NG PACC

pacc

(NI LILIBETH JULIAN)

MAGIGING alerto at mapagmatyag ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan para tiyakin na hindi makikisawsaw ang mga ito sa pulitika ngayong nagsimula na ang kampanya para sa 2019 midterm elections.

Kasabay nito, nagbabala rin si PACC Chair Dante Jimenez na walang sasantuhin ang kampanya na ipatupad ang kautusan ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Duterte na mananagot ang mga tauhan o opisyal ng pamahalaan na gagamit sa resources o pondo ng gobyerno para sa pangangampanya ng ilang mga kandidato .

Sinabi ni Jimenez na patuloy silang kumakalap ng ebidensya laban sa mga kawani at opisyal ng gobyerno na lumalalbag sa omnibus election code.

Bukod sa parusang suspensyon sa trabaho ay posible ring masibak sa trabaho ang mga lalabag sa kautusan ng pangulo.

Kasama sa kautusan ang mga miyembro ng militar, pulisya at iba pang law enforcement agencies.

Irerekomenda ng PACC sa Pangulo na isapubliko ang pangalan ng mga opsyal ng pamahalaan na mapatutunayang nakikisawsaw sa puitika.

Sinabi ni Jimenez, kapag napatunayan at nakumpleto naang imbestigasyon ay agad nilang ipadadala ang rekommendasyon sa Pangulo ang listahan.

“Kapag nakumpleto na ay irerekomenda namin kay Presidente na isapubliko at bigyan  ng mabigat na parusa,” pahayag ni Jimenez.

200

Related posts

Leave a Comment