(NI ABBY MENDOZA)
SA oras na maging batas ay magkakaroon na ng mandatory autopsy sa mga bangkay na kahina hinala ang pagkamatay.
Ang House Bill 9072 o Mandatory Autopsy Law ay lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives.
Sa ilalim nito ay ipinagbabawal na ang hindi awtorisadong pagdispose ng bangkay na nasa Death Under Inquiry (DUI) o misteryoso ang naging sanhi mg pagkamatay.
Nakapaloob sa panukala na pahihintuluyan ang mandatory full autopsy sa mga bangkay lahoy na walang court order kung ang maging sanhi mg pagkamatay ay dahil sa isang krimen, biglaang pagkamatay nang walang sakit; kung suicide o aksidente, pagkamatay na may traces mg droga at alcohol; pagkamatay dahil sa isang nakahahawang sakit na maaaring magkagay sa publiko sa peligro at pagkamatay habang nasa kustodiya ng law enforcers.
Bagama’t mandatory ang autopsy ay confidential umano ang resulta nito at ipinagbabawal din ang pagcremate mg bangkay na DUI nang walang clearance mula sa Philippine National Poloce at National Bureau of Imvestigation.
Ang lalabag dito ay pagmumultahin ng P200,000 at pagkakabilanggo ng isang taon.
176