GRAB UMIIWAS SA RESPONSIBILIDAD?

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Muling kinastigo ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ang Grab Philippines dahil sa pag-iwas umano nito sa kanilang responsibilidad hinggil sa isang estudyante na pasahero ng isa sa kanilang driver na nasangkot sa aksidente.

Ayon kay Nograles, sa kabila ng bilyong-bilyong kinikita ng Grab Philippines sa kanilang operasyon ay ayaw umano nitong sagutin ang buong medical expenses ng biktimang si Marko de Guzman, estudyante ng University of Sto. To-mas (UST).

Nabatid na sakay ng Grab si De Guzman nang maaksidente ang sinakyan nito dahil inaantok sa pagod dahil sa matagal na oras na pagmamaneho ang isa sa mga driver ng Grab na hindi pinangalanan ng mambabatas.

Lumalabas na bumangga sa scaffolding ang Grab car na sinasakyan ni De Guzman sa Taft Avenue noong nakaraang buwan at tumusok ang bakal sa kotse at saka  tumama sa ulo ng estudyante.

“The victim is now in critical condition as a fist-sized portion of of his brain had to be removed as a result of the acci-dent,”ani Nograles.

Sinabi ng mambabatas na nag-alok umano ng tulong ang Grab subalit kakarampot na halaga lang umano ang kayang nilang ibigay dahil sa katuwarian hindi direct employee ang driver na nasangkot sa aksidente.

“Grab as a common carrier has a legal duty of extraordinary responsibility over the passengers. They are presumed to be at fault for the negligence that led to serious personal injury on the UST student,” ani Nograles.

Ayon sa mambabatas,  maraming Grab drivers ang kumakayod ng mahabang oras para maka-qouta at dahil dito ay limpak na limpak na salapi umano ang pumapasok sa kanilang kaban, subalit kapag gastusan na ang usapan ay umii-was na ang mga ito.

“This is the result of greed. Grab makes millions in a day and would rather fatten their bank accounts than look after the welfare of Filipinos. How can our regulators allow irresponsible operators violate civil and transportation laws?” ayon pa kay Nograles.

132

Related posts

Leave a Comment