KAGAWAD SUGATAN SA AMBUSH

CAGAYAN DE ORO CITY –Isang barangay kagawad ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan makaraan barilin ng hindi kilalang mga suspek sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Jonathan Borja ang kaniyang Mitsubishi Montero nang barilin ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo, habang binabaybay ang intersection ng 6th at 18th Street sa Brgy. Nazareth.

Nadaplisan sa noo ang kagawad sa nasabing pamamaril.

Makaraan ang insidente, nakapag-drive ang biktima patungong ospital para malapatan ng lunas.

Ayon kay Senior Insp. Mario Mantala, may nakuhang isang basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng insidente

8

Related posts

Leave a Comment