HIGIT 400 PANG BILANGGO LAYA NA

LUMAYA kahapon ang panibagong 401 bilanggo mula sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nagdaos ng programa para sa maramihang pagpapalaya ng preso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.

Kabilang sa mga dumalo sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at BuCor chief Gregorio Catapang Jr.

Sa CIW ay umaabot sa 39 babaeng Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang lumaya.

Nasa 163 PDLs naman ang lumaya mula sa New Bilibid Prisons; 99 sa Davao Prison and Penal Farm; 47 sa Leyte Regional Prison; 29 sa San Ramon Prison and Penal Farm; anim sa Sablayan

Prison and Penal Farm; at 18 sa Iwahig Prison and Penal Farm.

Kabilang sa mga ito ang nabigyan ng parole, 65 ang napawalang-sala, sampu ang probation at ang 100 ay dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Ayon sa BuCor, mula noong Hulyo ng nakaraang taon ay kabuuang 4,993 PDLs na ang nakalabas sa iba’t ibang piitan. (RENE CRISOSTOMO)

197

Related posts

Leave a Comment