HIGIT P100-K UMENTO SA SAHOD NG PANGULO OK NA

duterte100

MAKUKUHA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P102,000 buwanang umento sa sahod matapos aprubahan ang pagpapalabas ng pondo sa huling bugso ng salary hike para sa mga opisyal ng gobyerno, kasama ang mga government employees.

Nilagdaan ng Pangulo ang EO 76 upang matiyak ang pagpapalabas ng pondo sa umento ngayong 2019 dahil hanggang ngayon ay hindi pa umano naipapasa ang national budget.

Sa ilalim ng EO No. 201, na inaprubahan ni dating pangulong Benigno Aquino III, ang mga government workers ay dapat na natatanggap ang huling bugso ng salary increase noong Enero.

Gayunman, ang pondo sa ikaapat na bugso ay hindi naipalabas dahil sa delay ng national budget. Ito ang dahilan kung bakit inisyu ng Pangulo ang EO No 76 kung saan pinahihintulutan ang pagkuha ng pondo sa salary increase sa saang mang bukas na pondo sa ilalim ng 2018 budget.

Noong 2018, ang Pangulo ay sumasahod ng P298,083 matapos ang ikatlong bagsak ng salary increase. Nakatakda sana itong tumaas sa P399,739 ngayon taon o dagdag sahod na P101,656.  Ang dagdag sahod ay retroactive mula Enero 1.

153

Related posts

Leave a Comment