HIGIT P600-B KASUNDUAN NG PHL-CHINA NILAGDAAN SA FORUM

duterte12

(NI BETH JULIAN)

NAGING matagumpay ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2nd Belt and Road Forum sa Beijing, China.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo,  kabilang sa mga kasunduang nalagdaan sa pagitan ng mga kompanyang Chinese at Filipino ay may kaugnayan sa enerhiya, imprastraktura at agrikultura, gayundin ang mga kinalaman sa pagbibigay ng training sa mga manggagawang Filipino.

Kaugnay nito, napagkasunduan ng Pilipinas at China ay paigtingin pa ang kanilang ugnayan at pagtutulungan para sa mas maayos at dekalidad na proyekto at serbisyo.

Kaugnay nito, nasa bansa na si Duterte matapos ang ilang araw na forum sa China.

Alas-12:15 ng hatinggabi nang lumapag sa Davao City International Airport ang eroplanong sinakyan ng Pangulo.

Hindi na nagbigay ng arrival statement ang Pangulo at agad siyang sumakay sa helicopter patungo sa kanilang bahay sa Davao City.

Sa pagtungo ng Pangulo sa China, nasa 19 na kasunduan na nagkakahalaga ng mahigit $12.1 milyon o mahigit P600 bilyon  sa pagitan ng mga kumpanyang Chinese at Filipino ang nalagdaan.

Natalakay din ang ilang usapin kabilang na ang arbitral ruling na pumabor  sa Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Bahagi ng naging aktibidades ng Pangulo ay ang pakikipag-pulong nito kina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Kiqiang.

Dito ay sinabi ng Pangulo sa China na ginagawa ng Pilipinas ang mga paraan para protektahan ang marine resources.

107

Related posts

Leave a Comment