HILING NG SOLON: DU30 MAKIALAM NA SA SPEAKERSHIP

duterte33

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI malayong magkaroon ng maya’t mayang kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa dami ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging speaker ng Kamara.

Ito ang dahilan kaya naniniwala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na mag-eendorso si Duterte ng kanyang kandidato para matapos na ang banggaan ng kanyang mga mismong kaalyado sa nasabing posisyon.

Sa press conference ng Makabayan bloc nitong Martes, sinabi ni Zarate na kung hindi makikiaalam si Duterte sa pagpili ng speaker ay hindi makasisiguro ang sinumang mananalong speaker sa kanyang puwesto.

“Kung sino ang mananalong speaker, talagang hindi siya sigurado d’yan sa upuan nya. Kasi wala naming paksyon dito na talagang majority kaya kailangang magbuild ng coalition with the different bloc ang faction so kapag hindi na nagkakasundo ang interes sa loob ng koalisyon, magkakaroon ng palitan ng speaker,” ani Zarate.

Ayon sa mambabatas, walang ipinagbago ang paksyon sa Kamara noong 17th Congress na nagluklok at nagpatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez  sa paksyon ngayong 18th Congress.

Dahil dito, hindi malayo aniyang magkaroon ng maya’t mayang kudeta sa liderato ng Kamara lalo na’t hindi nagkakasundo ang mga paksyon sa Kamara kung ang magiging speaker ay walang personal na basbas ng Pangulo.

 

146

Related posts

Leave a Comment