‘HINDI SPY SA CHINA ANG MGA PINOY’

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINDI kailanman magiging spy ang mga Filipino na nasa China.

Ito ang paniniyak nina Senador Risa Hontiveros at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III matapos ang pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na posible nilang ituring na mga spy ang mga Filipino migrant workers sa kanilang bansa.

Ang pahayag ng Chinese envoy ay bilang sagot sa naunang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng may kaakibat na security threat ang mga Chinese sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs malapit sa military facilities.

Sinabi ni Hontiveros na kinikilala ang mga Pinoy sa ibayong dagat dahil sa kanilang taglay na kakayahan at kakaibang pakikisama at pangangalaga at hindi sila kailanman magiging spy.

“Ito ay maituturing na banta sa buhay at kabuhayan ng ating mga kababayang OFW sa Tsina. It is a veiled threat in response to our simple and reasonable desire to strictly regulate Chinese POGO operations in the country and ensure the country’s national security,” saad ni Hontiveros.

“To insinuate that they could be committing espionage is not only insulting, but plainly false,” diin nito.

Sa panig ni Pimentel, binigyang-diin na wala sa Mainland China ang Pinoy workers at nasa ibayong dagat sila para lamang sa trabaho.

“Let me assure China, there are no Filipino spies in China kaya ‘wag sila mag-alala. Ang mga Filipino na nasa China ay para sa pagtatrabaho at saka kung titingnan natin na-subdivide ang mga Filipino sa China. Wala naman ang mga Filipino sa Mainland China. Andun sila sa Taiwan at Hong Kong, wala sa Mainland, malayo sa Beijing so wala po yun, ‘wag sila mag-alala,” diin ni Pimentel.

Inirekomenda naman ni Hontiveros na magkaroon ng review sa lahat ng Chinese POGOs malapit sa military installations at camps; ipatutupad ang mas mahigpit na regulasyon sa POGO industry at obligahin ang Chinese government na makipagtulungan sa mga awtoridad sa Pilipinas upang ma-regulate ang pagpasok ng illegal at undocumented Chinese workers.

416

Related posts

Leave a Comment