(Ni NOEL ABUEL)
HINDI pumasa si dating Senador Gregorio Honasan sa Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, lumilitaw na naby-pass si Honasan makaraang mabigong aprubahan ng CA ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya bilang permanenteng DICT secretary.
Pinili ni Duterte si Honasan kahit walang sapat at malawak na kaalaman ang beteranong mam-babatas sa komunikasyon at modernong teknolohiya.
Hindi naisalang ang kaso ni Honasan dahil nag-adjourn ang Kongreso nitong Disyembre 14.
Sabi ni Sotto, ang orihinal na plano ay isasalang sa CA si Honasan noong Disyembre 12, subalit biglang nagpatawag ng joint session ang Kongreso para desisyunan ang mungkahing pagpapa-lawig ang martial law ng isa pang taon.
Kaya, hanggang ngayon ay hindi pa kumpirmado si Honasan ng CA.
160