BATANG LANSANGAN, PULUBI TARGET NG DSWD

pulubi

PLANO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na iligtas ang mga batang lansangan at mga pulubing naglipana sa Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan.

Makikipag-coordinate ang DSWD sa mga local government upang linisin ang kalsada sa mga pulubi kasama na ang mga katutubong lumuluwas ng Maynila para mamasko, ayon kay spokesperson Glenda Relova.

Tiniyak ng ahensiya na ligtas at may pansamantalang matutuluyan ang mga ito sa kanilang center. Bibigyan ang mga ito ng komprehensibong pagsusuri kasama na ang checkup, pagkain at pamimigay ng hygiene kits.

Ang mga maililigtas na katutubo ay isasailalim sa ‘Balik-Probinsiya Program’ ng ahensiya.

Muli ring umapela ang DSWD na huwag bigyan ng pera o limos ang mga pulubi upang huwang nang maengganyong manghingi sa mga motorista.

12

Related posts

Leave a Comment