HOUSE BILL 1157: RELIGIOUS LEADERS PWEDE MAG-DIVORCE NG IKINASAL

martin55

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON ng poder o kapangyarihan ang mga religious leaders na payagang mag-divorce sa kanilang mga ikinasal.

Ito ay kung makakapasa ang House Bill 1157 na inakda ng mag-asawang sina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Sinirangan Rep. Yedda Marie Romualdez na magbibigay ng kapangyarihan sa mga nagkasal na magpahiwalay.

“Priests, pastors, imams and rabbis who solemnize marriage must have the authority to solemnize granted by the State. Therefore, if a marriage can be legitimately contracted under the laws of the Church, then it follows that under the same laws, such marriage can also be nullified or annulled,” ayon sa nasabing panukala.

Ginawa ng mag-asawang Romualdez ang nasabing panukala sa gitna ng umiinit na usapin ukol sa divorce bill na muling binuhay ng ilang mambabatas ngayong 18thCongress.

Sinabi ng dalawang mambabatas sa kanilang panukala na kamakailan lamang ay nagpatupad ng reporma si Pope Francis kaugnay ng annulment sa Simbahang Katolika upang maging simple umano ang proseso.

Sa ngayon ay tanging ang Korte ang may kapangyarihan magpahiwalay sa pamamagitan ng annulment na ikinasal ng mga Pari sa Simbahang Katoliko, Pastor, at maging ang mga Mayor at mga Huwes.

Subalit ayon sa Presidential decree 1083, kinikilala anila ang paghihiwalay ng mag-asawa  sa ilalim  ng Shari-ah law, alinsunod sa Qur’an.
“Under the principle of equality before the law, if a Muslim divorce is recognized , there can be no serious objections towards the recognition of the civil effects of a marriage by an established and duly recognized religious denomination,” ayon pa sa mag-asawang Romualdez.

Subalit ayon kay CIBAC part-list Rep. Bro Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord (JIL) tutol umano ito sa divorce law dahil bukod sa Vatican ay tanging ang Pilipinas na lamang umano ang walang batas hinggil sa diborsyo.

Indikasyon ito aniya na tanging ang Pilipinas ang rumerespeto sa batas ng Diyos at bilang isang Kristiyanong bansa, dapat pangalagaan ang kasagraduhan ang pag-aawasa at pagpapakasal.

 

134

Related posts

Leave a Comment