IBA PANG RAKET NI FAELDON SA BUCOR, KAKALKALIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

BINATIKOS ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang iba pang sinasabing iregularidad ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kabilang na rito ang sinasabing tangkang pagpapatupad ni Faeldon ng ‘no sticker, no entry’ policy sa NBP.

Sa impormasyon, bibilhin kay Faeldon ang sticker para sa bawat sasakyang papasok subalit kinuwestyon ng asosasyon kaya’t hindi tuluyang naipatupad.

“Narinig ko rin yan. Kaya nga lang hindi na-implement ang sticker dahil nagbabayad na rin ng sticker ang mga nakatira roon. At may nakatira roon, mga judges,” saad ni Lacson.

Bukod dito, pinagkakitaan din umano ang rental fee para sa mga tindahan ng mga empleyado ng Bucor at public school teachers.

“Ay naku. Yan ang sinasabi natin na kapag ang namumuno ay may malaking problema e talagang laganap yan. Kasi kung physical security ang pag-uusapan, e di huwag mo na lang bigyan ng permiso. May area na kung saan pwede ang concessionaires para sa dalaw, hindi para sa preso. Ang nangyayari roon parang halong kalamay sa loob,” diin pa ni Lacson.

“Tapos laging iniisip pagka na-appoint doon ang iniisip, ano ba meron dito sa halip na ano ang babaguhin natin dito? Anong meron dito, anong kalakaran? Sabi nga naging dynastic na rin ang BuCor dahil mga anak na rin ang  takeover sa nagre-retire,” dagdag pa ng senador.

Isa sa halimbawa ni Lacson na nagsilbing dinastiya sa Bucor si Atty. Frederic Santos, legal chief ng BuCor na pinalitan ang kanyang lolo.

“Maraming ganoon na kama-kamaganak at mga anak-anak. Siyempre o anak dito ka, ganito dito, ganito ka kikita. Ito ang pinagkakakitaan diyan huwag ka mabubukulan diyan,” diin ni Lacson.

100

Related posts

Leave a Comment