IBA’T IBANG AHENSIYA NAGTULONG-TULONG VS WATER SHORTAGE

panelo 200

(NI CHRISTIAN DALE)

HANGGANG ngayon ay isinasapinal pa ang Executive Order (EO) para masolusyunan ang problema sa kakulangan ng supply ng malinis na tubig hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bagama’t wala pa ang EO ay patuloy namang tinutugunan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang kawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa bansa lalo pa’t 90 na porsiyento na ang naibalik ang suplay ng tubig sa mga lugar na nawalan ng suplay nito.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Karlo Norgales, nagtutulong-tulong ang ilang tanggapan ng pamahalaan para makabuo ng isang Executive Order para mabigyang solusyon ang matagal nang problema sa tubig at mapigilan ang paglala nito.

Aniya, kabilang ang paglalabas ng EO sa pagsasapinal ng Philippine Development Plan 2017-2022 kung saan ay kasama ang supply ng tubig sa mga kailangang ayusin.

Inihayag din ni Sec. Nograles na maraming mapagkukunan ng tubig sa bansa pero ang kailangan ay mahusay na management ng mga water-related services ng gobyerno.

Nilinaw din nitong bago pa man lumutang ang problema sa supply ng tubig sa Metro Manila ay ginagawan na ng mga nararapat na hakbang ng Economic Cluster at Cabinet Assistance System ang problema sa distribusyon at supply ng tubig sa bansa.

8

Related posts

Leave a Comment