Iba’t ibang grupo dumulog sa SC PHILHEALTH FUND TRANSFER KADUDA-DUDA

(JULIET PACOT)

DINALA kahapon sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo ang petisyon na kumukuwestiyon sa paglipat ng bilyong pondo ng PhilHealth sa national treasury.

Ang pagharang ay ginawa ng mga dating opisyal ng pamahalaan, grupo ng mga abogado, pribadong sektor, mga lider ng simbahan at paaralan sa pamamagitan ng petisyon.

Giit ng grupo sa kanilang petisyon, labag sa Konstitusyon at wala rin sa batas ang naturang plano lalo na’t pera ng mga manggagawa ang PhilHealth funds.

Duda rin ang grupo sa naturang hakbang dahil tila gagamitin o magagamit lang anila sa ibang bagay ang nasa P89.9 bilyon na sobrang pondo na hawak ng PhilHealth.

Bukod dito, walang malinaw na paliwanag ang gobyerno at wala rin namang inilalatag na programa na pakikinabangan ng mamamayan.

11

Related posts

Leave a Comment