ISA PANG LADY SPEAKER AMBISYON SA KAMARA

congress

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGARAP ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon muli ng speaker mula sa kanilang hanay sa 18th Congress na magsisimula sa huling linggo ng Hulyo.

“Walang masama. And I hope meron din tayong women lawmakers who will vie for the position,” ani Zambales Rep. Cherry  Deloso-Montalla.

Si dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo ang unang babaing House Speaker subalit tapos na ang termino nito sa Mayo kaya pawang mga kalalakihan ang lumulutang na magkakalaban sa babakantehin nitong posisyon.

Isa sa mga pinangalanan na kandidato sa pagka-speaker ay si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez  ng kanyang partidong PDP-Laban subalit hindi ito nagsasalita sa nasabing issue.

Ayon kay Montalla, pinatunayan umano ni Arroyo na seryoso ang babae sa kanilang trabaho dahil sa maiksi aniyang panahon ay maraming naipasa itong batas dahil tinututukan umano nitong lahat ang mga kongresista para gawin ang kanilang trabaho.

“Ang gusto ko kay SGMA, pag may responsibility ka, you really have to do your job. Be a responsible lawmaker. Naiinis siya pag hindi ginawa yung trabaho, which I really admire,” ani Deloso-Montalla.

Ayon naman kay House committee on women and gender equality chairperson Bernadeth Herrera-Dy, umaasa ito na mas malakas ang mga kababaihan sa susunod na Kongreso at maging sa ibang sektor ng lipunan dahil kapag nangyari aniya ito, lahat ay aangat.

“Ako naniniwala talaga ako. Let us empower ourselves, kasi kapag babae ang inangat, buong pamilya aangat eh, so that’s why sa aking kapwa kakabaihan, let us try our best to empower ourselves,” ani Herrera-Dy.

Maliban dito, kapag malakas umano ang kababaihan at nakita ito ng mga kalalakihan ay magdadalawang isip ang mga to na gawin sa kanila ang mga bagay na nakakasama sa mga babae.

191

Related posts

Leave a Comment