KONSEHAL SINALAKAY NG ‘NPA’ SA BAHAY, PINATAY

crime22

(NI JESSE KABEL)

DEAD-on-the-spot si Councilor Jolomar Hilario ng Moises Padilla, Negros Occidental nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bahay at saka pinagbabaril Linggo ng umaga.

Sa ulat ng Negros Occidental PNP, isinagawa ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang pamamaslang bandang alas-6:00 Linggo ng  umaga sa sa bahay ng konsehal sa Barangay Inolingan.

Napag-alamang tinangkang saklolohan ang biktima subalit hinarang sila ng blocking force na inilagay ng  mga suspek.

Sinabing naglagay ng mga bobby trap sa paligid ng bahay ng Sangguniang Bayan member kaya’t hindi agad nakaresponde ang mga pulis.

Inihayag ng Moises Padilla Municipal Police Station na nakatanggap sila ng impormasyon na nagpakilalang New People’s Army (NPA) ang mga suspek.

93

Related posts

Leave a Comment