ISA PANG OPISYAL NI DU30 SISIBAKIN SA KATIWALIAN

gov't official

(NI BETH JULIAN)

SA susunod na linggo ay isa na namang opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa isyu ng katiwalian.

Ito ang ibinunyag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, pero tumanggi pa itong magbigay ng karagdagang detalye.

“Next week iaanunsyo ng Pangulo. Binanggit niya rin ‘yun during the meeting with some businessmen, na he will be firing another official,” ani Panelo.

Matatandaan, pinakahuling sinibak sa puwesto ng Pangulo si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y katiwalian.

Ang Pangulo ay kilala sa pagsugpo sa korapsyon sa gobyerno at pagtapos sa problema sa ilegal na droga ng bansa kaya bumuo ito ng anti-corruption commission na mayroong malawak na kapangyarihan na mag-imbestiga sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno noong 2017.

77

Related posts

Leave a Comment