NANAWAGAN si Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa Batangas Provincial Goverment at sa Department of Agriculture na agad maibigay ang ilang porsiyento ng calamity funds at Quick Response Funds para sa agarang tulong sa mga magsasakang biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa ngayon, ayon kay Rep. Cabatbat, umaabot na sa 200,000 ng mga kababayan natin sa Batangas ang apektado at kailangang lumikas. Pero ilan doon ang magsasaka na iniwan hindi lang ang bahay kundi ang kabuhayan nila.
“Masaya tayo sa report ng DA na walang malaking perwisyo ang naidulot so far nung eruption ng Bulkang Taal, pero we need to be ready with contingency. Simpleng pagpalit lang ng direksyon ng hangin lalaki na ang area of damage, at makakasama na sa mga pananim at alagang hayop ng mga magsasaka. If the wind shifts towards Eastern Batangas and Quezon, kailangan nang mahanapan ng alternative source ng zakate ang mga bakahan.” ani ng mambabatas.
Nabatid na umaabot na sa halagang 75.55 milyong pisong pananim mula sa 752 ektaryang taniman ang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal base sa datos na nakalap ng Magsasaka Party-list sa tanggapan ng DA.
Ayon pa kay Rep. Cabatbat, hindi lang mga sakahan ang dapat i-monitor kundi maging ang mga livestock partikular ang pangisdaan na posibleng magkaroon ng fish kill dahil sa sulfuric ashfall na masama sa mga isda.
“We urge the government to draw an agricultural contingency plan, especially for our small farmers. The provincial government of Batangas should consider allocating a portion of calamity funds to target the farming and fisheries sector. Resources must be poured for marketable crops and fish be harvested immediately, to secure farming machinery, to consider livestock in relief operations, and to set communal areas where animals can graze on ash-free grass,” pagtatapos ni Cabatbat. CESAR BARQUILLA
148