KAHIT OUT  NA SI ANDAYA, PAGGISA KAY DIOKNO TULOY

diokno

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULOY  ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa flood control projects ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno kahit nagbitiw si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., bilang majority leader.

Sa mosyon na inaprubahan sa plenaryo ng Kamara, inaprubahan ang mosyon ni Andaya na ilipat sa House committee on appropriation ang imbestigasyon sa tinagurian ntong ‘flood control scam” mula sa Rules Committee.

Nangangahulugan na si Andaya pa rin ang mangunguna sa imbestigasyon dahil siya ang itinalagang chairman ng Appropriation committee matapos magbitiw bilang Majority leader na siyang chairman din ng Rules committee.

Sa susunod na linggo, ayon sa tanggapan ni Andaya ay ipagpapatuloy ang imbestigasyon sa flood control scam na isinantabi muna dahil abala ang kongresista sa bicameral conference meeting para sa 2019 national budget.

Bukod sa mga proyektong ibinigay ni Diokno sa kanyang mga balae sa Casiguran, Sorsogon mula 2017 kahit hindi flood prone ang nasabing bayan, interesado din ang Kamara sa halos P200 Billion halaga ng proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na ipinabidding ni Diokno.

Inakusahan ni Andaya si Diokno na hindi lamang sa national budget mayroon itong insertion kundi sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ngProcurement Reform o  Republic Act (RA)  9184.

Ito ay matapos magpasok umano ng probisyon si Diokno sa nasabing batas na legal na makapag-bid ang DBM ng mga proyekto ng ibang ahensya hindi ito nakasaad sa orihinal na panukala.

“Hindi lang sa NEP (National Expenditure Program) may insertions ang DBM. Mayroon ding inserted provisions sa IRR para baluktutin ang mga probisyon ng RA No. 9184,” ani Andaya.

222

Related posts

Leave a Comment