KAIBIGAN BA TALAGA ANG CHINA?

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Kaibigan ba talaga ang turing ng China sa Pilipinas?

Pagtatanong ito ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kasabay ng pagsasabing habang iginagalang ng Pilipinas ang China at tinanggap ng mga Filipino bilang tao ang kanilang pangulong si Xi Jinping ay tinatrato nila tayong dayuhan sa sarili nating bayan.

“Nilalatagan natin ang China ng red carpet, habang sila naman ay pinalalayas tayo sa ating teritoryo. Ganyan ba ang pagkakaibigan?,” giit ni ani  Alejano

Kasunod na rin ito sa panibagong harassment na ginawa ng mga Chinese forces sa West Philippine Sea ilang araw pagkatapos ng state visit ni Xi.

Ang tinutukoy ng mambabatas ang pagpapalayas ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisda, kasama ang crew ng GMA network na pinabawalan ng mag dokumentaryo sa Panatag Shoal o Scarbourough shoal dahil walang paalam ang mga ito sa Chinese goverment.

Nasa loob umano ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang nasabing teritorial water kung saan madalas mangisda ang mga Filipino subalit kontrolado na ito ng Chinese Forces sa ngayon.

“That  area is within our country’s jurisdiction. Bakit Pilipino ang pinagbabawalan doon? I condemn this illegal action, yet again, by the Chinese Coast Guard against our people,” ayon pa kay Alejano.

Ayon sa mambabatas, dalawang taon nang niyayabang umano ng administrasyong Duterte na maayos na ang situwasyon sa West

Philippine dahil sa pakikipagkaibigan  sa China  Ngunit sa mga panahong itobay patuloy pa rin umano ang pang-aabuso ng bansang ito sa ating mga kababayan.

“Kahit ang mga Philippine military umano ay hindi nakakaligtas sa pambubully ng China sa loob ng ating teritoryo at posibleng nangyayari ito dahil malambot ang Duterte adminitration at pinapahalagahan nito ang kaniyang pakikipagkaibigan na hindi naman sinusuklian. “

“Hindi dapat mahigitan ng kahit anong loan o infrastructure agreement ang kahalagahan ng seguridad ng ating mga kababayan at ng bansa,” dagdag pa ng mambabatas.

7

Related posts

Leave a Comment