KAMARA PABOR SA WARRANTLESS ARREST SA GCTA FUGITIVES

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINUKURAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang warrantless arrest sa mga presong nasentensyahan sa karumal-dumal na krimen at pinakawalan dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA)  na hindi pa sumusuko.

Sa ambush interview kay House committee on justice chairman Vicente Veloso, hindi na kailangan ang arrest warrant sa mga presong hindi pa bumabalik o sumusuko.

“If you do not go back to Bucor (Bureau of Correction), then you’re evading your sentence. That’s continuing crime,” ani Veloso na dating Mahistrado ng Court of Appeals (CA).

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil mapapaso na sa Huwebes ang deadline sa 15 araw na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa mga mahigit 1,900 preso na nasentensyahan ng karumal-dumal na krimen na bumalik sa Bucor.

Gayunpaman, sa nasabing bilang, 600 pa lamang umano ang sumusuko sa mga otoridad at maging sa Bucor kaya maaari nang gumamit o arestuhin ang mga ito kahit walang warrant of arrest.

Kasabay nito, ikinatuwa naman ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang pagkakaroon ng bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Republic Act (RA) 10592 o GCTA Law.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na hindi dapat matigil dito ang nasabing usapin at makalimutan na ang pagkakasalang nagawa ng Bucor officials nang isama ng mga ito ang mga heinous crime convict sa mga nakinabang sa nasabing batas.

“Hindi nararapat na rito matapos ang issue ng GCTA at mga naging pagkakamali nito. Patuloy tayong mananawagan upang mapanagot ang mga umabuso dito na mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Tiwali man sila o sadyang incompetent, dapat may mapanagot sa napakalaking gusot na dinulot nila,” ani Yap.

 

71

Related posts

Leave a Comment