(NI DAVE MEDINA)
MAGSASAMPA ng kaso ang Security and Exchange Commission (SEC) laban sa mga lider ng KAPA Ministry.
Ang pagsasampa ng kaso ay dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code at kabilang sa mga sasampahan ng kaso ni SEC ChairBenito Aquino sina KAPA Ministry founder Pastor Joel Apolinario at iba pang opisyal nito.
Sinabi ni SEC chair Aquino na lumabag sa batas ang KAPA nang manghikayat ng mga miyembro na mag-donate sa ministry, na may pangakong 30 porsiyentong tubo kada buwan at habambuhay na bibigyan.
Wala aniyang lisensya ang KAPA para magbenta ng securities kahit sa miyembro pa nito kaya maliwanag na may paglabag sa batas.
Tiniyak pa ni Aquino na sa ngayon ay mayroon na silang hawak na mga testigo laban sa KAPA.
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasasara sa KAPA Ministry matapos mabatid na isa itong false save scheme na nangangako ng sobrang kita na imposibleng matugunan.
139