KASUNDUAN NG PILIPINAS AT CHINA ISASAPUBLIKO

(Ni LILIBETH JULIAN)

Ipinangako ng Malacanang na ipaaalam sa publiko ang lahat ng detalye ng mga sinelyuhan o nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at bansang China sa dalawang araw na pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, responsibilidad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangangasiwa sa lahat ng dokumento hinggil sa pagbisita sa bansa ni Xi.

Ayon kay Panelo, kapag nakumpleto na ang mga dokumento ay agad itong ilalabas sa mga mamamahayag para maiparating sa mamamayan ang mga detalye ng mga napagkasunduan.

Matatandaang hiniling kina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Francis Pangilinan na isapubliko ng Palasyo ang “joint oil and gas exploration agreement” sa pagitan ng Pilipinas at China.

10

Related posts

Leave a Comment