KATIWALIAN SA PCSO IBINUNYAG NI CAM

SANDRACAM13

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAGWALKOUT sa kanilang special board meeting sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Sandra Cam dahil sa pag-reverse ng desisyon ng board tungkol sa desisyon nila sa speed game.

Wala naman umanong sulat sa kanila ang OGCC, na siyang legal counsel ng PCSO para i-reverse ang kanilang board resolution number 83.

Ayon kay Cam, ito ang dahilan kung bakit umano mababa ang revenue ng ahensya.

Aabot umano sa P2 milyon ang nawawala sa kanila araw-araw dahil sa mga hindi naire-remit ng ilang STL operators lalo na ang nasa probinsya.

Isinawalat ni Cam sa media na karamihan sa mga STL operators na hindi nagbabayad ay mga sinasabing mistah umano ni Gen. Pinili na siyang GM ng PCSO.

Aabot na sa P10,727,819.81 ang dapat nilang singilin sa mga operators na ito na hindi nasingil sa loob ng tatlong taon, ayon pa kay Cam.

Nais umapela ni Cam sa Pangulo na i-revamp, o  i-relieve siya sa puwesto at ang lahat ng board members ng ahensya upang matigil umano ang korapsyon na ito.

Naniniwala si Cam na hindi umano dapat na militar ang nakaupo sa charity organization ng gobyerno kung saan ay dapat na may puso at malasakit sa kapwa ang maupo sa ahensiya upang tunay na makatulong sa kapwa.

Sinabi ni Cam na nag-iisa lamang umano siyang lumalaban sa mga katiwaliang ito at patuloy niya itong lalabanan dahil naawa siya sa mga taong pumipila upang humingi ng tulong at kakaunti lang ang naibibigay ng ahensya.

Hindi umano siya natatakot sa mga banta sa kanyang buhay dahil sanay na umano siya dito at ang nais niya lang ay makatulong sa mga tao na nangangailangan.

Hinihiling niya din niya sa Pangulo na ilagay na lamang siya sa ibang ahensya ng gobyerno kung saan mas makakakilos siya ng maayos.

 

163

Related posts

Leave a Comment