KITA NG BOC LAGPAS NG 3.3% SA TARGET — GUERRERO

customs12

(NI NELSON S. BADILLA)

UMABOT sa P53.33 bilyon ang nakolektang kita ng Bureau of Customs (BOC) nitong Abril kung saan lagpas sa P51.604 bilyong target sa nasabing buwan.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing koleksyon ay 3.3 porsiyentong iniangat sa target.

Labing-apat na porsiyento naman ang iniangat nito mula sa koleksyon noong Abril 2018 na P46.74 bilyon.

Ayon kay Guerrero, umaasa ang BOC  na makakolekta ng P51.604 bilyon nitong Abril, “but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our revenue collection capabilities, we were able to collect P53.33 billion which is higher than the target revenue.”

“In April 2018, we only collected P46.794 billion, but this year we exceeded our collection performance and even generated more than P1.726 billion surplus,” wika pa ng hepe ng BOC.

Ang nasabing koleksyon ay lagpas din sa mga naunang koleksiyon ng BOC sa nakalipas na mga pamunuan.

Ang buwis o taripang nakokolekta ng BOC ay isa sa mga malaking ambag sa kabuuang kita ng pambansang pamahalaan, kaya palaging tinitiyak ng Department of Finance (DOF) na hindi dapat nagpatumpik-tumpik ang pamunuan ng BOC sa trabaho nito.

Batay sa preliminaryong ulat, 12 sa 17 distrito ng BOC ang nakamit ang kanilang target at lumagpas pa ang iba.

Ang mga ito ay ang Manila International Container Port (MICP), Port of Limay, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Port of Cagayan de Oro, Port of Subic, Port of Cebu, Port of Davao, Port of San Fernando La Union, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Zamboanga at Port of Legaspi.

Ani Guerrero, ang magandang resulta ng koleksyon ng taripa ng iba’t ibang distrito ng BOC ay resulta ng pagpapaigting ng “control measures” laban sa “undervaluation, misdeclaration and other forms of technical smuggling.”

 

 

227

Related posts

Leave a Comment