KORAPSYON SA PCSO MALALA; LOTTO, STL ITINIGIL NI DU30

DUTERTE-PCSO-2

Dahil sa malalang korapsyon sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hindi na napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkainis at iniutos ang pagpapahinto ngayong araw ng operasyon ng Lotto at iba pang sugal sa bansa.

Sinabi ni Duterte, sa isang video message, na maliban sa Lotto, ipinahihinto rin ang operasyon ng iba pang lisensiyado at may prangkisa na mga sugal, gaya ng STL, Peryahan ng Bayan at Keno.

Ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inatasan ni Duterte upang tiyaking  maipatutupad ang kanyang kautusan.

Nanindigan ang Pangulo na hindi niya susundin ang anumang utos ng korte na naglalayong pigilan ang gobyerno sa im-bestigasyon nito sa malawakang korapsyon sa (PCSO).

179

Related posts

Leave a Comment