KOREAN STUDENT HULI SA ILLEGAL RECRUITMENT

korea22

(NI FROILAN MORALLOS)

 

KALABOSO ang isang Korean national makaraang maaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Inter-Agency Coucil Against Trafficking (IACAT) at makapanloko ng P5.6 milyon sa 28 na Pinoy matapos pangakuang na makakapagtrabaho sa Seoul, South Korea.

Kinilala ang Korean na si Chang Woo Ham, 24, estudyante ng Lyceum of the Philippines University-Batangas City, kasalukuyang nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment at estafa .

Ayon sa reklamo ng 28 Pinoy, na ayaw magpakilala, hinimok sila ng suspek na magtrabaho sa Korea na ang kanilang sahod ay doble sa kanilang kinikita dito sa Pilipinas.

Ayon sa mga ito , hiningan sila ng tig-P200,000 bawat isa, o may kabuuang P5,600,000 sa pangakong makakapagtabaho agad sa Korea ng hindi lilipas ang dalawang linggo.

Ngunit makalipas ang isang taon hindi natupad ang pangako ni Chang kung kaya’t napilitan ang 28 pinoy na dalhin si Chang nitong nakaraang araw ng Biyernes Feb. 22 sa NAIA para sa kanilang flight papuntang Seoul Korea .

Nang makita ng airline representative sa check-in counter ang kanilang visa, pinayuhan ang 28 pinoy na dumulog sa South Korean embassy upang maiwasan na maaresto kapag makarating sila sa Korea.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Filipino sa Airport Police kung saan inimbitahan ang suspek sa kanilang tanggapan saka inilipat ito sa IACAT-NBI (National Bureau of Investigation) para sa imbestigasyon.

Nabatid na hinimok ng suspek ang mga manggagawa na sumailalim sa job training para sa deployment ng mga ito sa kani-kanilang employer kapag nakapasa sila sa training.

Nakipag-ayos si Chang sa mga biktima na ibabalik niya ang mga pera kanyang nakolekta kapalit ang kanyang kalayaan, subali’t sinampahan na ito ng NBI ng kasong large-scale estafa at illegal recruitment.

143

Related posts

Leave a Comment