KULONG, MULTA SA NAMEMEKE SA SIM REGISTRATION WA EPEK

“PUNISHABLE by law” ang pag-upload ng mga larawan ng hayop at pagbibigay ng pekeng impormasyon sa subscriber identity module (SIM) registration.

“Technically speaking po, may violation ‘yun which is fineable… So ‘pag nalaman namin kung sino ‘yung nagregister at ni-report din sa amin, we can use the SIM card registration law to go after that person,” ito ang inihayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Dy sa isang panayam.

Ito ay dahil tila walang epekto ang mga nakasaad na parusa sa SIM reg law dahil nagagawa pa ring manloko para makapagparehistro ang mga scammer.

Kaya ang paalala ni Dy sa publiko, sa ilalim ng SIM registration law, ang pagbibigay ng “false identity, pagsisinungaling at maging ang “uninformed buying at pagbebenta ng registered SIM ay classified bilang criminal acts.

Ang parusa ay mula anim hanggang dalawang taon na pagkakabilanggo o multa na hindi bababa sa P100,000 subalit hindi naman lalagpas sa P300,000.

Nito lamang Setyembre 5, sinabi ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senate hearing na mayroong nagrehistro ng SIM gamit ang larawan ng unggoy.

Sinabi ni Jeremy Lotoc, NBI Cybercrime Division chief, na pinipilit ng ahensya na irehistro ang SIM na binili mula sa iba’t ibang telecommunications companies bilang bahagi ng imbestigasyon nito.

“We entered the face of an animal and different names, natanggap pa rin,” ani Lotoc.

Winika ni Dy na bineripika ng DICT ang authentication ng identification cards na isinumite sa registration gamit ang database mula sa iba’t ibang ahensiya.

Aniya pa, pinagsama-sama na ang mga data, subalit ang telecommunications companies ang humahawak ng registration system.

Samantala, ang paalala pa rin ng DICT sa publiko ay maging alerto laban sa hacking sa pamamagitan ng text scams.

“Kapag minamadali kang magdesisyon, kapag mayroong pinapa-click sa iyo, huwag po, maghinay-hinay kayo, huwag niyo click, tawagan, or reply,” giit ni Dy.

(CHRISTIAN DALE)

249

Related posts

Leave a Comment