(NI JESSE KABEL/BETH JULIAN)
SUICIDE bombers ang nasa likod ng naganap na kambal n apagpapasabog sa Our lady of Mt Carmel Cathedral na kumitil ng 22 katao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa ayon sa military at Sulu PNP nitong Biyernes.
Ang pahayag ng military at kapulisan ay kumumpirma lamang sa nauna ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang suicide bombing ang naganap sa Jolo Sulu at kagaagwan ito ng mag asawang banyaga.
Ayon kay Sulu Police Provincial Office Director Pablo Labra ang kanilang kumpirmasyon ay ibinatay sa kanilang imbestigasyon at salaysay na nakuha mula sa may 36 witnesses na kabilang sa mga sugatan sa nasabing pagsabog.
Sa pahayag ng ilang saksi, isang lalaki at isang babae ang pumasok sa simbahan. Ang babae umanoy may taas na 5’2” medyo balingkinitan at naka suot ng kulay abohing hoodie jacket na posibleng ginamit para itago ang dala nilang bag na may lamang improvised explosive devise.
Ayon sa mga saksi, iniwan ng kasamang lalaki ang babae bago ang unang pagsabog
“Sa cathedral, kilala nila ang isa’t-isa na nagsisimba. Itong mga witness natin, na-caught ang attention nila dahil hindi familiar ‘yung babae. Nagsabi sila sa investigators na suspicious ang actions ng babae. Accordingly, lingon ng lingon; that somehow caught the attention of our witnesses , ani Labra.
Subalit, ayon sa police officers, kasalukuyan pa nilang ini-establish kung ang second explosion ay kagaagawan ng sinasabing lalaking kasama ng babae sa simbahan.
Una nang inihayag ng Armed Forces of the Philippine at Department of National Defense na posibleng isang suicide bomb attack ang ikalawang pagsabog.
Base sa lakas ng impact kung saan nagkadurog durog ang ilang bahagi ng katawan ng bomber.
Sa imbestigasyon ng pulis posibleng maging susi sa sinagasagawang pagsisiyasat ang tatlong paa na nakita sa blast site na hindi alam kung kanino dahil kumpleto na umano ang mga paa ng mga biktima kabilang ang 22 nasawi sa pagsabog.
“Lahat ng namatay accounted, confirmed and identified by their families. Merong dalawang pair of feet na andyan na one pair, by its appearance could be belonging to a lady and another to a man,” ani Labra.
Nabatid na isasailalimsa PNP SOCO sa DNA analysis ang mga pira pirasong bahagi ng katawan ng tao na nakita sa blast site.
Lumilitaw din na accounted na lahat ang ng mga nasawi at nasugatan at walang naghahanap sa labi ng sinasabing dalawang katawan ng tao na nagkalasog lasog.
Sinasabing base sa pag aaral ng Explosives Ordnance Division, ang ikalawang pagsabog ay suspended o naka -ngat sa lupa kaya malakas at malawak ang sabog.
Bomba bitbit ng taong nagpasabog.
Mula sa 21 naswi nadagdag kahapon ng malagutan ng hininga ang isnag Thelma Villanueva, 68 matapos magpasya ang pamilya nito na alisin na ang nakakabit na life support ditto.
Ayon sa mga opisyal ng PNP , kung pagbabasehan ang mga nakalap na salaysay at mga nakalap na ibidensya sa blast site ay tumutugma sa intelligence reports na naunang nakalap din ng military.
Samanatala naglabas naman ng statement si AFP Spokesman Bgen Edgard Arevalo na “sa ngayon wala pa tayong conclusive findings that it is or it was a case of suicide bombing although the president has said that it is and there are some hints or indicators that it could be a case of suicide bombing bec the prsident, you should remember, has access to different sources of information .”
“ but we were, as we have not been ruling that out since the beginning that it could be a case of suicide bombing but as of now wala pa tayong conclusive na masabi na it is a case of suicide nga because investigations are still ongoing ,” ani Bgen Arevalo.
Kaugany nito ayon kay Labra “to the nationality of the “suicide bombers it is still being investigated.
Magugnitang mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay ansabing may impormasyon silang Yemeni couple ang mga suicide bombers .
Nabatid na patuloy na inututukan ng police at military intellignece ang ulat hinggil sa may 40 foreign terrorists na pumasok sa bansa pamamagitan ng Southern backdoor.
330