(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANILO BACOLOD)
NANLULUMO si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may mga graduate ng Philippine Military Academy (PMA) ang kinain na ng sistema ng katiwalian.
Ang pahayag ni Lacson ay kasabay ng kanyang reaksyon sa pagbibitiw ni PNP chief Oscar Albayalde makaraang masangkot sa kontrobersiya ng ninja cops.
“I do not mean to cast judgment on Gen Albayalde’s character with the preceding statement. Rather, it is only to reiterate the sad reality that many PMA graduates have been eaten by the corrupt and corrupting system of law enforcement,” saad ni Lacson.
Aminado si Lacson na magkahalo ang kanyang emosyon sa pagbitiw ni Albayalde na para sa kanya ay hindi naman tuluyang maglalayo sa PNP sa kontrobersiya ng ninja cops.
“I have mixed feelings about the way PGen Oscar Albayalde, now ex-CPNP has abruptly ended his police service more than three weeks before his compulsory retirement. His statements prior to his formal announcement today to relinquish command of the 190,000 strong police force have somehow diminished the redeeming value of his intent to spare the PNP from the so-called ‘ninja cops’ controversies,” diin ni Lacson.
“Being a PMA graduate myself, I feel sad whenever fellow PMAers slug it out publicly over issues that hit the very core of the unique and exclusive cadet honor system which has nurtured us for four arduous years to prepare ourselves to resist the moral challenges and temptations once we step out of the Academy,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, pinuri naman ni Lacson si Mayor Benjamin Magalong gayundin si ret Gen Manuel Gaerlan at iba pang retiradong heneral na humarap sa pagdinig ng Senado sa paglalantad na hindi anya nangunsinti sa kalokohan ng ilan ding kasamahan.
401