LEYTE MAYOR KINASUHAN SA INISYUNG PERMIT SA SABUNGAN

sandigan

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIL sa paggamit sa kanyang posisyon, kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Babatngon, Leyte matapos bigyan ng permit ang isang sabungan nang walang isinumiteng kumpletong requirements.

Si dating Babatngon Mayor Charita Chan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa Presidential Decree No. 1802 (Creating the Gamefowl Commission) at paglabag sa isang local cockfighting ordinance.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires malinaw na ginamit ni Chan ang kanyang posisyon para pagbigyan ang isang negosyante.

Nabatid na noong 2009 ay binigyan ni Chan ng permit to operate ang negosyanteng si Nicomedes Ade para sa isang sabungan sa lalawigan.

Ito ay sa kabila ng nauna nang na-deny na mabigyan ng mayor’s permit ang negosyante dahil kulang-kulang ang mga requirements nito kabilang na ang building permit, location at vicinity map, building plan at certification na ang sabungan ay malayo ng 200-meter radius sa mga residential at commercial areas.

Inirekomenda naman ng Ombudsman ang P30,000 piyansa laban kay Chan.

 

188

Related posts

Leave a Comment