TINANINGAN ng 75 araw ang mga lokal na pamahalaan simula kahapon araw ng Lunes, Pebrero 17, upang linisin ang lahat ng mga lansangan sa anomang uri ng sabagal o obstruction.
Kasunod ito ng inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ikalawang yugto ng kampanya para sa road clearing alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sakop na rin ng mga clearing operation ang mga lokal at iba pang maliliit na kalsada, batay sa DILG memorandum order 2020-027.
“Tuloy ang paglilinis at pagpapaluwag ng mga kalsada. I direct all LGUs to clear local roads from obstruction with the same urgency and enthusiasm as when the President issued the directive,” diin ni Interior Secretary Eduardo Año.
Ibinabala ni Año na ang mga lokal na opisyal na mabibigong makasunod sa direktiba ay bibigyan ng show cause order.
“Their response will be used to determine whether or not administrative charges will be filed against them,” dagdag ng kalihim.
Samantala, inihayag ni Año na naghain sila ng show cause order sa may 97 LGU officials at sinampahan ng administrative charges ang 10 local chief executives dahil sa kabiguang matanggal ang mga sagabal sa kalye sa kanilang nasasakupan. JG TUMBADO
146