LIQUOR BAN DEPENDE NA SA LGUs

HINDI pinag-usapan sa pulong ng inter-agency task force ang apela na alisin ang pagbabawal sa pagbebenta ng alcoholic drinks sa gitna ng community quarantine bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang inaprubahan lang ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response ay ang resumption ng manufacturing ng alcoholic drinks sa mga lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Wala pong discussion sa IATF pagdating sa liquor ban,” ayon kay Sec. Roque.

Noong nakaraang buwan, ipinaubaya na ng Malakanyang sa local government units ang pagdedesisyon kung babawiin o hindi ang liquor ban.

Ito’y matapos na hilingin sa pamahalaan ng Center for Alcohol Research and Development Foundation Inc., grupo ng liquor makers sa bansa, na payagan ang pagbebenta ng alcoholic drinks “with the same freedom of trade given to other goods and products.” CHRISTIAN DALE

173

Related posts

Leave a Comment