LISENSYA NG GUN OWNERS GUSTONG GAWING 5 TAON ANG VALIDITY 

guns

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na palawigin ang validity ng firearms and ammunition license.

Sa kanyang Senate Bill 1023 o Republic Act No. 10591 or the “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, isinusulong ni Zubiri na maging limang taon ang kasalukuyang dalawang taong validity ng lisensya.

Layon  ng panukala na mabawasan ang loose firearms dahil mahihikayat ang mga may-ari ng baril na makapagparehistro bunsod ng pinadali na ring proseso ng pagpaparehistro.

Sa tala, hanggang noong isang taon, nasa 200,000 pribadong indibidwal ang may hawak ng firearm and ammunition license.

Nasa 600,000 na baril naman ang nakarehistro habang nasa isang milyon ang sinasabing loose o unregistered firearms.

“In streamlining the renewal of both the license and registration of firearms and considering the extended period of validity, we expect the number of unregistered firearms in the country to decrease,” saad ni Zubiri.

 

 

269

Related posts

Leave a Comment