KILO-KILONG KARNE NASABAT SA NAIA-BoC

karne

SA harap ng paghihigpit ng Bureau of Customs (BoC) na makapasok sa bansa ang African swine fever epidemic, may mahigit sa 1,000 kilo ng karne ang nasabat sa NAIA.

Sinabi ng BoC na mula nang pumutok ang balita sa African swine fever ay nag doble bantay na ang mga tauhan nito para hindi makapasok sa bansa ang mga karne na sinasabing may bitbit na ASW. Umaabot na din umano sa mahigit isanglibong kilo ng kare na walang sanitary at phyto sanitary clearance na naitala sa NAIA terminal.

Patuloy din na naghihigpit ang NAIA kung saan todo inspeksiyon sa mga padating na bagahe para hindi makalusot ang mga karne, partikular ang mga galing sa China, Hungary, Belgium,Latvia, Poland,Romania, Russia, Ukraine,Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, at Zambia.

Noong nakaraang taon, bago pa man pumutok ang ASF ay mayroong mahigit sa limang kilo ng karne na walang Food and Drug Administration at Bureau of Animal Industry clearance ang inilipat sa BAI Quarantine Division para sa kaukulang aksiyon.

276

Related posts

Leave a Comment