(NI AMIHAN SABILLO)
AMINADO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na apektado rin ang kanilang hanay sa pagpapatigil ng operasyon ng PCSO.
Isa rin sa napagkakalooban ng tulong ng PCSO ang PNP na direct sa Directorate for Comptrolership ang pondo na kalimitang naitutulong sa mga gamot at iba pang health services ng PNP.
Gayunman, hindi naman inihayag ni PNP chief General Oscar Albayalde kung ilang porsiyento ang natatanggap ng PNP mula sa PCSO.
Samantala, pumalo na sa 30, 284 PCSO gaming outlets na nag-ooperate ng small town lottery, Lotto, Keno at Peryahan ng Bayan sa buong bansa ang naipasara
Sinabi pa ni PNP chief Albayalde na hiwalay na direktiba sa mga PNP Regional Directors upang ipasara ang mga sugal na pina-ooperate ng PCSO.
Sinabi pa nito na sa kabuuang mahigit 30,000 na mga naipasang PCSO gaming outlet ay hindi kabuuang bilang ng mga PCSO franchised sa halip ito lamang ang kanilang naipasara.
Bukod na sa kampanya kontra sugal paiigtingin din ng PNP ang kanilang law enforcement and public operations lalo na ang paghuli sa mga wanted persons, pagtutok sa mga street crimes at illegal drug operations.
108