MALAKANYANG MAY ORAS PANG BUSISIIN ANG 2021 BUDGET

LAKING pasasalamat ng Malakanyang dahil may panahon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para repasuhin ang inaprubahan nang budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, may oras na ang pangulo para matingnan kung mayroong line item veto na dapat niyang gawin.

Wala namang binanggit si Sec. Roque kung nakatugon ang Kongreso sa timeline ng pangulo pero nagpapasalamat na lamang daw sila at may pagkakataon pa ang presidente para silipin ang budget proposal para sa susunod na taon.

“Well, sabihin na lang po natin na kinakailangan pa rin ng panahon ngayon para suriin at tingnan kong mayroon ngang line item veto na gagawin ang presidente,” ayon kay Sec. Roque.

” So, nagpapasalamat po kami na kahit papaano ay may panahon pa po ang presidente na i-review iyan at mayroong panahon po para maging epektibo itong ating budget pagdating po ng a-uno ng Enero,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

149

Related posts

Leave a Comment