NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, kasamahan at mga mahal sa buhay ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr, na pumanaw ngayong araw, Hunyo 12.
Si Secretary Yasay ay nagsilbi bilang Kalihim ng Foreign Affairs ng Duterte Administration.
Sa kanyang pagreretiro sa government service, nagsilbi siya bilang Chair Board of Trustees ng Philippine Christian University.
“As we pay tribute and honor Secretary Yasay, we offer our sincerest prayers to the Almighty to grant him eternal repose,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, kinumpirma ng maybahay na si Cecile Joaquin-Yasay ang pagpanaw ng dating kalihim.
Binawian ng buhay si Yasay, 73, kaninang alas-7:26 ng umaga dahil sa karamdaman.
Nanungkulan siya bilang secretary ng DFA mula Hunyo 30, 2016 hanggang Marso 8, 2017.
Hindi naman naaprubahan ang kaniyang appointment nang dumaan sa Commission on Appointments (CA) dahil sa kaniyang citizenship.
Namuno naman siya sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 1995 hanggang 2000. CHRISTIAN DALE
141