MALAKANYANG OFFICIALS ‘COMPLETE ATTENDANCE’ SA SENADO SA RATIPIKASYON NG RCEP

WALANG nararamdamang pressure si Senador Francis Chiz Escudero mula sa Malakanyang para sa ratipikasyon ng free trade agreement na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Ito ay sa kabila ng kumpletong attendance ng mga opisyal ng Malakanyang sa Senado nang isponsoran ang trade agreement sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkoles.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Escudero na hindi pa niya natatapos basahin ang buong committee report sa trade agreement kaya’t hindi pa siya lumalagda rito.

Binigyang-diin pa ni Escudero na take-it-or-leave-it ang pagratipika ng Senado sa isang tratado dahil hindi na nila maaring amyendahan o baguhin ang nilalaman nito kaya’t mahalaga anya na mabasa nila ang kabuuan ng kasunduan bago sila magdesisyon kung dapat bang suportahan ang pagratipika dito.

Samantala, hindi pa rin lumagda sa committee report si Senador Christopher ‘Bong’ Go dahil patuloy pa anya itong pinag-aaralan upang matukoy kung ano ang pakinabang ng bansa sa kasunduan laban naman sa pinsalang naidudulot nito sa agrikultura.

Matatandaang si Pangulong Rodrigo Duterte ang lumagda sa RCEP na una na ring inendorso sa 18th Congress kung saan isa sa lumagda sa committee report. (DANG SAMSON-GARCIA)

124

Related posts

Leave a Comment