MALILIGAYANG ARAW NG ‘JETSETTERS’ SA GOBYERNO TAPOS NA

jet12

(NI BETH JULIAN)

TAPOS na ang mga junket o pamamasyal ng mga opisyal ng gobyerno gamit ang pondo ng bayan.

Ito ay kasunod ng inilabas na Executive Order 77 ng Malacannag na nagtatakda ng regulasyon at panuntunan sa pagbyahe at allowances sa mga taong gobyerno.

Nakasaad sa kautusan na anumang byahe sa ibang bansa ng mga kalihim ng mga departamento ng gobyerno, pinuno ng GOCC, maging board members at pinuno ng national government agencies ay kailangang aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga byahe na aabot ng apat na oras o lagpas pa ay papayagan na mag book sa business class na eroplano,  ang mga team building activitiy o planning workshop ay ipinagbabawal nang gawin sa abroad o labas ng bansa.

Nakapaloob din sa EO ang halaga ng travel allowances na dapat lamang ibigay, depende sa layo ng byahe.

Ipinag-utos din na sa loob ng isang buwan pagkabalik sa bansa ay dapat makapag sumite ng report hinggil sa dinaluhan nilang aktibidad.

Kung ito ay isang international convention ay dapat na may kopya rin ng report ang Office of the President.

Ang sinumang kawani ng gobyerno na lalabag sa kautusan ay isasailalim sa kaukulang disciplinary action.

 

113

Related posts

Leave a Comment