GLORIA: TAPUSIN NA ANG DEADLOCK SA BUDGET

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD)

“We’ll end the impasse as soon as possible.”

Ito ang direktiba ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 3-man team na kanyang binuo para makipagnegosasyon sa kanilang counterpart sa Senado hinggil sa 2019 national budget.

Sa ambush interview Biyernes ng hapon, itinanggi ni Arroyo na siya ang utak sa pagkalikot sa national budget para paboran ang kanyang mga kaalyado sa Mababang Kapulungan.

Maliban sa kanyang direktiba sa 3-man team na sina House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep. Edcel Lagman, ay wala na umanong kautusan pa ang House Speaker sa mga ito kaya ipapaubaya sa mga ito ang kanilang pinal na desisyon.

“I did not micromanage the putting together of the budget.  I dont want to micromanage also their negotiations because the ones who did the budget know what they did and know what their flexibilities are,” ayon pa kay Arroyo.

Katapat ng mga nabanggit na kongresista ang mga kinatawan naman ng Senado na sina Senate Finance committee chairman Loren Legarda, Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Gregorio Honasan.

Subalit  sa mga nakaraang mga araw, naninindigan sina Andaya at Lagman na walang mali umano sa pag-itemized sa lumpsum budget ng iba’t ibang departamento tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Naghugas kamay din si Arroyo sa mga alegasyon na siya ang nasa likod ng pagbabago sa orihinal na bersyon nasabing budget para paboran ang kanyang mga loyal allies sa Kamara.

Anumang araw ay maghaharap na ang mga kinatawan ng Kamara at Senado kung saan target ng mga ito na maayos ang hindi pinagkakaunawaan hanggang Miyerkules subalit kung hindi ay sa Agosto na posibleng maipasa ang pambansang pondo

86

Related posts

Leave a Comment