(NI ABBY MENDOZA)
KASABAY ng pagtigil ng hanging amihan, simula na ang panahon ng tag-init, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).
Mas maaga ang deklrasyon ng panahon ng tag-init ngayong taon kunpara noong 2018 na Abril 10.
“With this development, the day-to-day weather across the country will gradually become warmer, though isolated thunderstorms are also likely to occur,” ayon sa Pagasa.
Mas matindi umano ang mararanasang init ngayon dahil sa umiiral na El Nino phenomenon.
Sinabi ni Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section chief Analiza Solis na mas maraming probinsya ang makararanas ng tagtuyot. Pagsapit ng katapusan ng buwan ng Abril ay inaasahan na 61% ng bansa ang nasa dry spell at 51 lalawigan ang direktang apektado, kasama ang 27 lalawigan sa Luzon, 11 sa Visayas at 13 sa Mindanao.
Ang pinakamatinding init umano ay maaaring maranasan pagsapit ng buwan ng Mayo kung saan aabot 40.7 degree celsius ang temperatura sa Northern Luzon lalo sa Tuguegarao habang sa Metro Manila ay nasa 38.2 degree celsius.
Pinapayuhan ng Pagasa ang publiko na magsagawa ng precautionary measures para makaiwas heat stress.
433